Bago sumapit ang bagong taon, maraming paghahanda ang ginagawa ng mga pamilyang pilipino sa Pilipinas tulad ng shopping-shopping, luto-luto at kung anu-ano pa. Halos hindi na nga magkandaugaga sa paggawa eh. Pinipilit nila na maging kumpleto at masagana sa mga pagkain ang kanilang ihahain sa hapag-kaninan sa medya noche. Sa ating paniniwala kasi, bawal ang walang handa o hindi maghanda dahil baka hindi maging maganda ang iyong pagsalubong sa bagong taon. Kahit konti bastat meron or kung maghahanda ka na lang rin eh di garbohan mo na ng todong todo para todong todo din ang swerte na papasok sa iyo. Kahit yung mga walang pera pinipilit nilang maghanda pero yung mga walang panghanda tulad ng mga mahihirap na pinoy, aba...eh nagtitiis na lang sa gutom at dinadaan na lang sa tulog. Ano ba ang mas magandang gawin talaga? Alam ko na, likas naman tayong matulungin na mga pinoy di ba, eh di bakit hindi tayo tumulong sa kapwa nating nangangailangan o walang makain sa pagsapit ng bagong taon. Di ba mas masaya yuon. Bakit hindi tayo magluto para sa mga taong walang makain sa araw ng bagong taon? Di ba mas nakakabusog yuon. Maliit man daw o malaki ang tulong na iyong maibabahagi sa iyong kapwa, pero sa mata ng "Dios" ito'y walang katumbas. Tulad ng pagmamahal nya sa ating lahat.
Ang mahalaga ay nagmumula sa ating puso ang bawat ibabahagi natin sa iba. Bagong taon, bagong buhay, bagong pagmamahal at bagong magmamahal sa iyo!



No comments:
Post a Comment