"Friendship is the golden thread that ties the world."

Your Ad Here
Your Ad Here
Your Ad Here

HaPpY nEw YeAr Friends!

Happy New Year Pictures, Images and Photos

Friday, December 26, 2008

UzApUzApTaYoFriends!

Hi! Alam nyo ba na habang buhay ka ay may buhay. Ano man ang katayuan mo sa mundo ang mahalaga ay buhay ka. Di ba. Mayaman ka man o mahirap ang mahalaga ay buhay ka. Pero bakit ang iba eh... parang nawawalan na ng buhay o pag-asa sa buhay? Ano nga ba ang dahilan? Pera? Pagkain? Damit? Bahay at kotse? Kayaman? Ano sa tingin mo? Ang iba sabi nila, " Naku! gusto ko ng mamatay kasi hirap na hirap na ako!" Ngeeehhkkkk....yun lang. Baka naman biro lang pala noh. Tapos makalipas ang ilang araw magkukuwento ulit at ang sasabihin eh " Naku! Muntik na akong masagasaan kahapon. Mabuti na lang at hindi natuloy. Salamat at buhay pa ako." Ngeeehhkkk.... eh akala ko ba gusto mo ng mamatay? Nakakatawa noh na nakakainis. Bakit nga ba?Kung nahihirapan ka man, huwag mong hamunin si kamatayan dahil sasalubong siya sa iyo ng nakangiti, nakataas ang dalawang kamay at talaga namang abot hanggang impyerno ang ngiti at naka gown na itim pa. Mabilis pa siya sa alas otso. Alam ko na. Ang gawin mo pala kung may problema ka at talagang hirap na hirap ka na, bakit di ka kaya magotso-otso di ba. Sabi naman ng iba tawanan mo ang problema. Lalo ka pang babata. Eh di hindi halatang namomroblema ka kapag palagi kang nakangiti. Pero masama rin naman kapag masosobrahan dahil nakakabaliw din pala. Dahil yung iba kahit tinatawanan ang problema eh wala ring tigil sa kakaisip kaya naman hayun...natutuluyan na lang. Kawawang buhay. "Life's like a play: It's not the length, but the excellence of the acting that matters""Life is not living, but living in health.""Life is constantly pounding you from the outside with millions of hammer blows, but you have the last word as to how those blows will change you."Kaibigan...sa buhay ng tao maraming pagsubok. Saan ka man, ano ka man, maging sino ka man, ang mahalaga ay buhay ka naman. Huwag kang mawawalan ng pag-asa dahil ang pag-asa ay hindi mawawala. Kumilos ka at labanan mo ang mga problema mo. Huwag mong hayaan na mamroblema ka sa problema mo, hayaan mong ang problema mo ang mamroblema sa iyo. Pero ang higit sa lahat ay huwag kang mawawalan ng tiwala sa sarili mo. Sabihin mo ng malakas at taas noo na "Kaya ko ito.", hindi yung "Kakayanin ko ito." dahil di ka pa sigurado eh. "Magaling ako.", at hindi yung "Gagalingan ko ito ." dahil d mo pa alam."Matapang ako", at hindi yung "Oka tokat." " GOD is with you my friend"

No comments:

Post a Comment